HINDI natuloy ang hearing nina Raymart Santiago at Claudine Barretto kaugnay sa child custody na ire-resume na sana ang pagdinig sa Marikina Regional Trial Court. Mukhang gusto na ni Claudine na makipag-ayos kay Raymart alang-alang sa kanilang mga anak. Kagaya sa May 29 kung saan kasali si Sabina sa event ng G Force sa Araneta Coliseum, pinadalhan daw nila ang abugado ni Raymart ng tickets para sa aktor. Gusto raw ni Claudine na makita ng kanilang anak na may ama itong manonood sa kanya. Sabi ng aktres, “Kawawa naman ang anak ko kung wala ‘yung tatay niya du’n, ‘di ba? “They really have to get along, and try to start having relationship with Raymart again.” Sinubukan naming kontakin si Raymart kung dadalo ito, pero hindi siya sumasagot sa tawag at text namin. Wala pa ring update kung kailan nila itutuloy ang hearing. Noon pa man ay isa lang ang gusto ni Raymart -- mapasakanya ang mga anak niya, o kahit visitation rights man lang. *** Puspusan ang pagpapapayat ni Claudine base sa ipinu-post niya sa Instagram. Kumpara noon, mas okay ang itsura niya. Sinasabi naman ng abugado niyang si Atty. Topacio na gusto na nitong bumalik sa trabaho. Itinanggi niya ang napabalitang nagpa-rehab na naman ito, taliwas sa mga sinasabi ng kapatid na si Gretchen Barretto. Ang pagkakaalam ni Atty. Topacio ay nagpagupit lang ng buhok si Claudine. Sabi naman ng aktres, “Kung totoong nagpa-rehab ako itong mga nakaraang buwan o weeks, sana eh nasa kanila na mga anak ko, at hindi na sila putak nang putak.” Pati ang pagka-link sa isang non-showbiz guy na Mark Anthony ang pangalan ay itinatanggi rin ni Claudine dahil magkaibigan lang daw sila. Marami ang naintriga sa ipinost nito sa Instagram kung saan merong lalaking nakaakbay sa kanya at may caption a “I Love You”. Magkasama lang daw sila sa isang project at wala raw espesyal na pagtitinginan na namamagitan sa kanila. “Kaibigan ko lang talaga siya, and we’re usually always together, may project kami together,” sagot ni Claudine. Abangan ang one-on-one interview ni Ricky Lo kay Claudine bukas sa Startalk.
Saturday, 10 May 2014
Claudine, nagpatutsada sa putak nang putak

08:13
Unknown
Posted in:
0 comments:
Post a Comment